Umabot na sa 2,890 kaso ng leptospirosis sa Metro Manila, kaya’t nagdeklara na ng alert threshold ang Department of Health (DOH). Ito ay 95% na mas mataas kumpara sa nakaraang taon, na may 1,481 kaso lamang.
Pinakamataas na bilang ng kaso ay mula sa Quezon City, at karamihan sa mga apektado ay lalaki. Ang sakit, na dulot ng bacteria mula sa ihi ng mga hayop, ay mabilis na kumakalat, kaya’t pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang pag-lusong sa bahang may kontaminasyon.
Mahalaga ang agarang paggamot sa pamamagitan ng antibiotics upang maiwasan ang komplikasyon.