Pinahanga ni Lea Salonga ang libo-libong baseball fans sa US matapos niyang kantahin ang US national anthem sa laban ng New York Yankees noong Lunes ng gabi sa Yankee Stadium.
Ibinahagi pa ng Yankees ang video sa kanilang social media, kung saan umani ng papuri si Lea sa kanyang simple pero makapangyarihang bersyon ng “Star-Spangled Banner.” “No frills, all feels,” ang sabi ng ilang fans.
Si Lea, kilala sa Miss Saigon, Les Misérables, at bilang boses sa ilang Disney classics, ay kasalukuyang nasa Broadway sa show na Sondheim’s Old Friends. Siya rin ay green card holder sa US sa ilalim ng “extraordinary ability” visa.
Kahit hindi naisalba ni Lea ang score—natalo ang Yankees sa Los Angeles Angels, 1-0 matapos ang 11 innings—panalo pa rin ang performance!
