PULSE PH

Lahat ng pangunahing sasakyang pampasada magtitigil-pasada sa Marso 26-27!

Inanunsyo ng mga malalaking grupo ng transportasyon ang isang malawakang tigil-pasada sa buong bansa na magaganap sa darating na Marso 26 at 27. Ang kilos-protestang ito ay lalahukan ng mga driver at operator ng mga jeepney, UV Express, TNVS gaya ng GrabCar, inDrive, Joyride at mga bus bilang mariing pagtutol sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa mga lider ng transportasyon, hindi na sapat ang kinikita ng mga driver para itustos sa kanilang pamilya dahil sa mahal ng krudo at gasolina. Layunin ng strike na kalampagin ang pamahalaan upang magpatupad ng mga konkretong hakbang, gaya ng suspensyon sa excise tax sa langis o pagbibigay ng mas malaking subsidy upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa kalsada.

Dahil sa banta ng paralisis sa transportasyon, pinapayuhan ang publiko na maghanda at asahan ang kakulangan ng masasakyan sa mga nasabing petsa. Inaasahan din na maglalabas ng anunsyo ang mga paaralan at tanggapan ng gobyerno kung magpapatupad sila ng online classes o work-from-home arrangement upang hindi maabala ang mga mag-aaral at kawani.

Exit mobile version