Site icon PULSE PH

Lahat ng Kinain ni Phil Rosenthal sa Manila Trip!

Sa isang masarap na episode ng Somebody Feed Phil, pinasok ni Phil Rosenthal ang puso ng pagkaing Pinoy—mula sa street food hanggang fine dining!

Unang stop: Intramuros, kung saan tinikman niya ang taho. Sumunod siya kay Erwan Heussaff sa Trellis, QC, para sa ultimate sisig experience—kasama pa ang pititchan at malamig na beer. Sabi ni Phil, “There’s a lot to be proud of here!”

Kasama ang asawang si Monica, bumisita rin sila sa Toyo Eatery. Doon, sinimulan nila ang hapunan sa kinilaw series at garden salad na inspired ng “Bahay Kubo.” Umabot pa sa bisugo, silog, at grilled chicken ang food trip, at may luha pa sa sarap si Monica!

Para sa street eats, sumakay si Phil ng jeep papuntang Aling Sosing’s karinderya—kaldereta, hipon fritters, at kuwentuhan kasama ang mga driver. Tinernohan pa nila ng mango ice cream at bola-bola kasama ang mga bata ng Childhope PH.

Nag-Jollibee rin si Phil bilang tribute sa Filipina caretaker ng kanyang ama—isang bucket ng Chickenjoy para kay “Isabelita.”

Next stop: Tagaytay. Sa Asador Alfonso, nilantakan ni Phil ang gazpacho, wagyu jamón, squid ink paella, at lechazo. May dagdag na comfort food sa Chiks ni Otit (hello, crispy pata!), at tinapos niya ang trip sa isang masayang boodle fight—kamayan style!

Final meal? A special dinner sa Grace Park Dining kasama ang culinary greats ng bansa. Sa menu: lechon na may beer sa tiyan, conch sisig, scallops, prawns, lamb adobo, at marami pa. “Everything I love in life is right here,” ani Phil.

Ang ending? Isang heartfelt tribute para kay Margarita Forés at sa world-class na pagkaing Pilipino. Sabi nga ni Phil, “If you want the best of the best—you have to come.”

Exit mobile version