Site icon PULSE PH

‘Laguna Diva’ Arabelle Dela Cruz, wagi sa Korean singing show

Pinatunayan ng Filipina singer na si Arabelle Dela Cruz ang galing ng Pinoy sa international stage matapos niyang masungkit ang grand champion title sa kauna-unahang international edition ng South Korean singing show na “Veiled Cup.”

Tinalo ni Arabelle ang mga kalahok mula sa siyam na bansa, kabilang na ang kapwa niya Sparkle artists na sina Garrett Bolden at Thea Astley. Inanunsyo ng Sparkle ang kanyang panalo sa Instagram noong Pebrero 1.

Sa kompetisyon, nakilala si Arabelle bilang “Laguna Diva,” alinsunod sa format ng palabas kung saan umaawit ang mga contestant nakatago sa likod ng belo at kinikilala lamang sa kanilang palayaw at probinsya.

Si Arabelle ay runner-up ng “The Clash 2025,” at sa kanyang tagumpay sa Veiled Cup, muling ipinakita ng Filipina diva na kayang makipagsabayan—at manaig—ng talento ng Pilipinas sa mundo.

Exit mobile version