PULSE PH

LA Tenorio, muling tumatak sa PBA bilang playing coach ng Magnolia

May panibagong kabanata ang makulay na karera ni LA Tenorio matapos siyang maging ika-pitong playing coach sa 50-taong kasaysayan ng PBA—isang papel na posibleng tumagal hanggang sa playoffs ng Magnolia Hotshots sa PBA Philippine Cup.


Dahil sa injuries nina Jerom Lastimosa (Grade 2 ankle sprain) at Paul Lee (hamstring), muling isinuot ni Tenorio ang uniporme bilang aktibong manlalaro at isinama sa 15-man roster ng Magnolia sa pagtatapos ng elimination round. Sa kanyang unang sabak, nagtala ang beterano ng apat na puntos, dalawang rebounds at tatlong assists sa loob ng mahigit 13 minutong


May apat na araw pa si Tenorio para buuin ang final roster bago magsimula ang quarterfinals kontra TNT Tropang 5G sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum. Kapag nagsimula na ang serye, hindi na papayagan ang anumang pagbabago sa lineup. Ang Magnolia at TNT ay nagharap na kamakailan kung saan nanaig ang TNT, 94-83, at tuluyang inagaw ang ikatlong puwesto habang nabigo ang Hotshots na makapasok sa Top Four.

Exit mobile version