Site icon PULSE PH

La Salle, Pinataob ang UP! FEU, Tinapos na ang Losing Streak sa UAAP!

Kahit kulang sa key players, De La Salle University (DLSU) Green Archers ay nagpakita ng tibay matapos talunin ang defending champion University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, 72-69, sa pagtatapos ng UAAP Season 88 men’s basketball first round kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Walang Mason Amos at Kean Baclaan, ngunit bumida sina Vhoris Marasigan at Earl Abadam sa huling minuto ng laro.
Si Abadam ay kumamada ng game-tying three-pointer, habang si Marasigan naman ang nagbigay ng go-ahead basket sa natitirang 45 segundo para sa panalo ng Archers.

Sa tagumpay, nagtapos ang La Salle sa 4-3 record, kapantay ng UP at Ateneo sa ikatlong pwesto. Samantala, National University (6-1) at University of Santo Tomas (5-2) ang nangunguna sa standings bago pumasok sa second round.

Sa unang laban ng araw, Far Eastern University (FEU) Tamaraws ay naka-break ng dalawang sunod na talo matapos dominahin ang University of the East (UE) Red Warriors, 95-76.

Pinangunahan ni Jorick Bautista ang Tamaraws sa pamamagitan ng 22 puntos, kabilang ang 15 points sa second half, para itala ang kanilang ikalawang panalo (2-5) sa pagtatapos ng first round.

Ang UE naman ay nahirapan sa opensa sa kawalan ng kanilang coach na si Chris Gavina, na nagsisimula ng apat-na-larong suspensyon.

Exit mobile version