Site icon PULSE PH

Kylie Padilla May Hugot sa ‘Leadership’ Post Matapos Mag-File ng COC si Aljur Abrenica!

Nag-post si Kylie Padilla ng isang makahulugang mensahe tungkol sa mga katangian ng isang “dakilang lider” matapos maghain ng COC bilang konsehal ng Angeles City ang kanyang ex, si Aljur Abrenica.

Sa kanyang Facebook post noong Lunes, Oktubre 7, sinabi ni Kylie na ang isang mahusay na lider ay dapat magsimula sa kanyang pamilya. “Ang unang yunit niya ay ang kanyang pamilya. Isang lalaking nagtuturo sa mga anak ng mabuting asal, integridad, at kababaang-loob,” isinulat ni Kylie.

Nagbanggit din umano si Kylie tungkol sa pagiging tapat ng isang lalaki sa kanyang asawa, kahit may mga pagsubok, at dapat malapit ang puso sa Diyos.

Maraming netizens ang sumang-ayon sa post ni Kylie. “Kung di mo kayang panindigan ang pamilya mo, paano ka pa maglilingkod sa bayan?”

Exit mobile version