PULSE PH

Korte sa Seoul, Pinagbabayad ang HYBE ng ₩25.5B sa Dating ADOR CEO

Isang malaking panalo ang nakuha ni Min Hee-jin, dating CEO ng ADOR, matapos utusan ng Seoul Central District Court ang K-pop giant na HYBE na bayaran siya ng 25.5 billion won (humigit-kumulang $17.7 milyon o halos P1 bilyon).

Nag-ugat ang halos dalawang taong legal na labanan noong Abril 2024, na umikot sa umano’y unilateral o isang panig na pagwawakas ng HYBE sa kanilang shareholders’ contract. Ayon sa korte, walang bisa ang naturang termination.

Ang kaso ay nadamay pa ang girl group na NewJeans, na nag-debut sa ilalim ng ADOR noong 2022. Ang ADOR ay subsidiary ng HYBE, na siyang namamahala rin sa global supergroup na BTS.

Sa pahayag, nagpasalamat si Min sa korte sa “makatarungang paghusga” matapos ang mahabang proseso. Aniya, nais na niyang tapusin ang “nakakapagod na alitan” sa pagitan niya at ng kumpanya. Siya ngayon ang CEO ng Oaak Records.

Samantala, inihayag ng HYBE na maghahain ito ng apela laban sa desisyon ng korte.

Exit mobile version