PULSE PH

Kongreso, Binibigyan ng Max Deadline si VP Sara!

Nagpasya ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez, na magbigay ng “maximum leniency” kay Pangalawang Pangulong Sara Duterte, sa pamamagitan ng paghihintay hanggang Miyerkules, Setyembre 25, para siya’y personal na dumalo at ipagtanggol ang 2025 badyet ng kanyang opisina.

“Inieextend namin ang maximum leniency upang bigyan ng pagkakataon ang OVP na ipagtanggol ang kanilang badyet,” ayon kay 1Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez sa isang press briefing, dahil magsisimula na ang break ng Kongreso sa darating na Biyernes.

Sinigurado ng kanyang mga kasama na sina Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. Jayjay Suarez, Reps. Paolo Ortega V (La Union first district), Jay Khonghun (Zambales first district), at Jil Bongalon (Ako Bicol party-list) na may pagkakataon si Duterte na depensahan ang kanyang panukalang badyet para sa susunod na taon.

“Hihintayin namin siya hanggang Miyerkules,” sabi ni Bongalon, habang idinagdag ni Suarez na bibigyan nila si Duterte ng “lahat ng oportunidad” na makadalo.

“Ayaw namin ng maling pag-asa. Sana hindi siya maging pabebe. Kami’y nagpapakita ng respeto at paggalang sa OVP,” sabi ni Ortega.

“Iginagalang namin ang proseso ng badyet, sana ganun din siya,” giit ni Khonghun.

Nakaiskedyul ang plenary hearing para sa OVP noong Lunes ng alas-10 ng umaga, ngunit muli itong hindi dinaluhan ni Duterte, tulad ng nangyari noong Setyembre 10 sa hearing ng appropriations committee na pinamumunuan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Dahil dito, nabawasan ang P1.3 bilyon mula sa orihinal na P2-bilyong panukalang badyet ng OVP.

Ayon sa mga mambabatas, ang kinatawang ipinadala ni Duterte ay “hindi awtorisadong” kumatawan sa kanya.

Exit mobile version