Site icon PULSE PH

Klase Suspendido sa Marso 3 Dahil sa Matinding Init!

Ilang lungsod sa Metro Manila ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa Lunes, Marso 3, 2025, dahil sa sobrang taas ng heat index na inaasahang mararanasan sa araw na iyon.

Ayon sa Department of Education, ito ang mga lungsod na may class suspension:

Lahat ng antas, pampubliko at pribado:

  • Malabon City
  • Las Piñas City
  • Parañaque City

Kindergarten hanggang Senior High School, pampublikong paaralan lamang:

  • Valenzuela City
  • Caloocan City

Delikadong Init!

Naunang inanunsyo ng Malabon City ang suspensyon matapos babalaan ng PAGASA ang publiko sa inaasahang heat index na 46°C, na posibleng magdulot ng matinding epekto sa kalusugan.

Epekto ng Matinding Init:

🌡 Heat cramps at heat stroke – Mataas ang posibilidad lalo na kung matagal na nakabilad sa araw.
Dehydration – Posibleng mauwi sa panghihina, pagkahilo, o kahit kidney damage.
Pagkapagod at pagkalito – Kapag hindi na kayang i-regulate ng katawan ang init.

Dahil dito, pinapayuhan ang lahat na uminom ng maraming tubig, iwasan ang matagalang pagbabad sa araw, at manatili sa malamig na lugar hangga’t maaari.

Exit mobile version