Site icon PULSE PH

Klarisse de Guzman, Proud na Nag-Come Out bilang Bisexual sa PBB!

Nagbigay ng matapang na rebelasyon ang singer na si Klarisse de Guzman sa loob ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.” Sa episode nitong Miyerkules, inamin ni Klarisse na siya ay bisexual.

“Tingin ko ito na ‘yung time para sabihin sa inyong lahat and to tell the world that I’m not straight. I am bi,” ani Klarisse sa kanyang mga housemates, sa isang session na pinangunahan ni Michelle Dee—na lumantad ding bisexual noong 2023.

Ibinahagi rin ng singer na mayroon siyang long-term partner na si Trina, at maswerte siyang tanggap ito ng kanyang pamilya. “Hindi ako nahirapan sa phase na ‘yon. Even most of my relatives, alam [nila],” aniya.

Sa confession room, inamin ni Klarisse na matagal niyang itinago ang kanyang totoong pagkatao dahil sa takot na maapektuhan ang kanyang career at imahe sa publiko. Pero sa wakas, nagdesisyon siyang magpakatotoo.

“Napakasarap po sa pakiramdam na—ito pala ‘yung feeling ng malaya. Finally, nasabi ko na,” dagdag niya.

Si Big Brother mismo ay natuwa sa pagiging positibo at masaya ng kanyang pag-amin. “Para sa akin po ito ‘yung bagay na dapat sine-celebrate,” sabi ni Klarisse.

Matatandaang hindi siya ang unang celebrity housemate na nagladlad sa PBB. Noong 2006, si Rustom Padilla ay nag-come out bilang si Bb. Gandanghari sa “PBB Celebrity Edition.”

Isa na namang patunay na sa Bahay ni Kuya, love always wins!

Exit mobile version