Sunod-sunod ang dagok kay Korean actor Kim Soo-hyun — matapos siyang tanggalin bilang brand ambassador ng Prada, sunod namang umani ng pambabatikos ang isang advertisement niya sa Seoul.
Noong Marso 14, opisyal na tinapos ng Prada ang kontrata ni Kim, kahit pa ilang buwan pa lang siyang ambassador simula Disyembre 2024. At noong sumunod na buwan, ipinakilala na si Gawon ng K-pop group na MEOVV bilang bagong mukha ng brand.
Pero hindi pa diyan natapos ang gulo.
Sa Hongdae Station, lumabas ang isang ad ni Kim na agad naging viral — pero hindi sa magandang paraan. Maraming netizens ang naglabas ng inis at matitinding reaksyon laban dito sa social media.
Kasabay nito, muling uminit ang isyu kaugnay ng mga akusasyong grooming at harassment laban kay Kim, na may kaugnayan sa yumaong aktres na si Kim Sae-ron. Mariing itinanggi ito ni Kim sa isang presscon noong Marso 31 sa Seoul.
Mukhang hindi pa tapos ang unos para kay Kim Soo-hyun.