Site icon PULSE PH

Khalil Ramos, Ibinunyag ang Sekreto sa ‘Spicy’ Love Life nila ni Gabbi Garcia!

Walong taon na ang relasyon nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, at ayon kay Khalil, hindi lang basta swerte ang dahilan kung bakit sila nananatiling matibay—kundi effort at hard work para panatilihing “spicy” ang kanilang pagmamahalan.

Sa isang event ng RedMi Note 14 Pro sa SM Mall of Asia, nakapanayam si Khalil tungkol sa kanyang love life. Nang tanungin kung paano nila napapanatili ang kilig sa kanilang relasyon, simple lang ang sagot niya:

“Best friends kasi kami ni Gab. Importante na gustuhin mong makasama ang partner mo—hindi ‘yung parang obligasyon lang.”

Dagdag pa niya, ang pagbabahagi ng hobbies at pagsubok ng bagong bagay ang isa sa mga susi para hindi mauwi sa pagkabagot ang isang relasyon.

“Mabilis tayong mabore bilang tao, kaya dapat piliin mong hindi mabore. Kailangan mo talagang mag-effort.”

Sa madaling sabi, para manatiling “maanghang” ang relasyon, kailangan ng oras, adventure, at tunay na pagkakaibigan—at ‘yan ang sikreto nina Khalil at Gabbi! 💖✨

Exit mobile version