Isang malupit na trade deal ang yumanig sa NBA! Ayon sa ESPN, ipinamigay na ng Phoenix Suns ang two-time NBA champ na si Kevin Durant sa Houston Rockets kapalit ng walong assets, kabilang sina Jalen Green, Dillon Brooks, ang 10th pick sa darating na NBA Draft, at limang future second-round picks.
Pormal lang itong maisasara kapag nagsimula na ang 2025-26 NBA season sa loob ng dalawang linggo, pero klaro na—lipat na si KD sa H-Town!
Makakasama ni Durant ang batang-batang Rockets squad na pinangungunahan ni Coach Ime Udoka, matapos ang impressive na 52-30 record sa West. Sa kabilang banda, bagsak ang Suns sa 11th place kahit may pinakamalaking payroll sa kasaysayan ng liga.
Si KD, 36 anyos, ay may expiring $54.7M contract, pero eligible na for a two-year extension—kaya limitado ang teams na puwedeng kunin siya. Sa huli, nakuha rin niya ang isa sa mga gusto niyang puntahan: Houston, kasama ng Miami at San Antonio sa kanyang wishlist.
Durant x Rockets? Abangan ang sunod na pasabog sa Lone Star State!
