Site icon PULSE PH

Katseye, Namayagpag sa TikTok Music Trends 2025!

Naglabas na ng year-end rankings ang TikTok para sa 2025, at pinatunayan nitong nananatili itong pinakamalaking plataporma para sa viral music trends—mula sa bagong artists hanggang sa muling pagsikat ng mga lumang kanta.

Katseye, Global Artist of the Year

Global girl group Katseye, pinangungunahan ng Filipina na si Sophia Laforteza, ang itinanghal na TikTok Global Artist of the Year matapos umabot sa mahigit 30 bilyong views at 12 milyong video creations ang kanilang mga kanta.

Dalawa sa kanilang pinakamalalaking hit ang nagpasiklab ng TikTok dance trends:

  • “Gnarly” – unang pumasok sa Billboard Hot 100; sinayawan maging ng Le Sserafim, TXT, at Camila Cabello (2.4M creations, 13.5B views)
  • “Gabriela” – may halos 10B views, 2.8M creations, nag-Top 7 sa Spotify Global at nakakuha pa ng Grammy nominations

Nagpasalamat ang Katseye sa kanilang fanbase na EYEKONS: “Ginawa ninyong global ang aming music at journey.”

Kasama rin sa Top TikTok Global Artists sina Alan Arrieta, Enhypen, Bad Bunny, at Stray Kids.

‘Pretty Little Baby’ (1962) ang No. 1 Global TikTok Song

Pinakamalaking surpresa ang pag-angat ng 1962 track na “Pretty Little Baby” ni Connie Francis bilang TikTok Global Song of 2025.

  • 28M uses at 68B views
  • Ginamit para sa wholesome videos tungkol sa pamilya, alagang hayop at romantic clips
  • Viral din ang video ni Kylie Jenner kasama si Stormi (132M views)

Sumali pa sa TikTok si Connie bago siya pumanaw nitong taon, at labis na natuwa sa pagbabalik-sikat ng kanta na nirekord niya 63 taon na ang nakalipas.

Kasunod ng classic hit ang:

  • “Hold My Hand” – Jess Glynne
  • “Rock That Body” – Black Eyed Peas
  • “Azul” – J Balvin
  • “Dame Un Grr” – Fantomel & Kate Linn

Lumutang din sa listahan ang iba pang viral songs tulad ng “APT.” (Bruno Mars & Rosé), “Anxiety” (Doechii), “Sparks” (Coldplay), at “That’s So True” (Gracie Abrams).

Exit mobile version