Site icon PULSE PH

Kathryn Bernardo, Hot na Hot sa 29th Birthday Bash

Mainit ang pagsisimula ng summer, salamat kay Kathryn Bernardo na nagdiwang ng kanyang 29th birthday with a bang!

Sa kanyang Instagram, nag-post si Kathryn ng stunning photos kung saan makikita siyang naka-white underwear habang nakahiga sa kama. “Woke up as a 29-yr-old,” simple pero powerful na caption niya.

Agad bumaha ng comments mula sa mga celebrity friends tulad nina Ria Atayde, Ivana Alawi, MJ Lastimosa, at Maine Mendoza. “29 is looking great,” sabi ni Ria, habang si Maine naman ay bumati ng, “Happy 29th, Kath!!!”

Pero hindi pa doon natapos ang pasabog! Sa isa pang post, nag-share si Kathryn ng fiery black lingerie photo, na may simpleng birthday cake emoji bilang caption.

Hindi na napigilan ng fans at fellow celebs ang reaksyon:
“GRABE,” ani Ivana Alawi.
“Holy Guacamole,” sabi ni Sofia Andres.

Indeed, Kathryn is serving confidence and beauty as she turns 29!

Exit mobile version