Site icon PULSE PH

Kathryn Bernardo, Excited sa Kauna-unahang Teleserye Kasama si James Reid!

Ikinalugod ni Kathryn Bernardo ang sorpresa ng marami sa nalalapit na tambalan nila ni James Reid para sa isang bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment.

Matagal nang pinaniniwalaang imposibleng mangyari ang tambalang ito dahil parehong kabilang sina Kathryn at James sa magkaribal na love team noong mid-2010s—KathNiel para kay Kathryn at Daniel Padilla, at JaDine para kay James at Nadine Lustre. Sa kabila nito, unti-unti ring nabuo ang iilang fans ng kanilang posibleng tambalan na tinaguriang KathReid.

“Hindi ko in-expect. Baka si James din hindi niya in-expect. Sinong mag-aakala na pagkatapos ng ilang taon, at galing pa kami sa kanya-kanyang love team, na magkakasama kami para sa comeback teleserye namin?” pahayag ni Kathryn sa panayam ng TV Patrol.
“Posible na talaga ngayon. Excited na kami,” dagdag pa niya.

Ayon kay Kathryn, kakaiba at malalim ang konsepto ng proyekto: “Hindi lang ito tungkol sa pag-ibig. Tungkol din ito sa pagkakaibigan, pamilya, at mga babae.”

Opisyal na inanunsyo ng Dreamscape Entertainment ang tambalang Kathryn at James nitong nakaraang Biyernes.

Exit mobile version