Nag-iingay na naman ang chika tungkol kina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala matapos umano silang makita muli—hindi lang isa, kundi dalawang beses noong Hunyo 6!
Ayon sa “Ogie Diaz Showbiz Update,” isang netizen sa Reddit ang nag-post na nakita raw sina Kathryn at Mayor Mark sa Bonifacio High Street sa BGC, madaling araw pa raw ‘yon. Wala raw nakuhang picture dahil mabilis umano silang isinakay sa van, pero naabutang si Mayor Mark na nagpapakuha ng litrato kasama ang ilang e-scooters.
Wala mang ebidensya, may isa pang post na binasa si Ogie—this time, sa isang skin care clinic sa Quezon City raw uli namataan ang dalawa sa parehong araw. Sweet daw ang vibe, at hindi mapaghiwalay!
Sabi ni Ogie, parehong single ang dalawa kaya walang issue kung totoo man ang mga sightings. Dagdag pa niya, matagal na raw niyang naririnig na tahimik lang ang mga nasa paligid ni Mayor Mark kapag kasama si Kathryn.
Sa isang interview noong ABS-CBN Ball noong Abril, sinabi ni Kathryn: “I’m very happy. And yes, still single.”
So… happy and single pa rin ba? O may bagong kilig chapter na? Abangan!
