Kathryn Bernardo at Alden Richards, game na game sa “Imitate Each Other Challenge,” kung saan inamin nila ang mga nakakatawang mannerisms at habits ng isa’t isa!
Bilang bahagi ng promosyon ng kanilang bagong pelikula na “Hello, Love, Again,” nakipagkulitan ang KathDen sa GMA. Sa unang bahagi ng challenge, ipinakita nila kung paano sila bumabati sa set: si Alden, laging may yakap at tanong kung kumain na si Kathryn; samantalang si Kathryn, may dala pang shades at energetic na “helloooo!”
Nang usapan na ang “kilig,” inamin ni Kathryn na bihira lang kiligin si Alden—ang reaction niya, isang simpleng ngiti at nakatago ang dimples! Si Kathryn naman, aliw na aliw tuwing may paboritong Hollywood actor na pinapanood.
Pagdating sa chika, si Kathryn ay super invested, samantalang si Alden naman ay tahimik at seryoso, lagi pang nagtatanong kung okay ba siya sa narinig na balita.
Abangan ang part 2 ng imitation game nila, dahil siguradong may mas marami pang nakakatuwang revelations!
