Nagpatuloy ang tensyon sa pagitan ng India at Pakistan noong Mayo 7, nang umatake ang India sa Pakistani Kashmir. Sinabi ng Pakistan na nabaril nila ang limang Indian fighter jets, na siyang pinakapangit na labanan sa loob ng mahigit dalawang dekada sa pagitan ng dalawang bansang may nuclear capabilities.
Inamin ng India na naglunsad sila ng mga pag-atake sa siyam na mga target sa Pakistan, kabilang na ang mga base ng mga militanteng Islamiko na konektado sa nakaraang pag-atake sa mga Hindu turista sa Kashmir na ikinamatay ng 26 tao. Samantalang sinabi naman ng Pakistan na anim na lokasyon ang tinamaan, kung saan walong tao ang namatay.
Ayon sa India, ang mga pag-atake ay bahagi ng kanilang operasyon na tinawag nilang “Operation Sindoor.” Sa kabilang banda, iginiit ng Pakistan na ang kanilang mga hakbang ay mga depensibong aksyon, at nanindigan silang gagawin nila ang lahat para ipagtanggol ang kanilang bansa.
Dahil sa matinding labanang ito, tumaas ang panganib ng eskalasyon ng digmaan, kaya’t naglabas ng pahayag si US President Donald Trump na sana ay magtapos ito agad.
