PULSE PH

Karl Eldrew Yulo, nasungkit ang Gintong medalya sa Turkiye

Muling nagpakitang-gilas ang batang pambatong gymnast ng Pilipinas na si Karl Eldrew Yulo matapos siyang makasungkit ng gintong medalya sa nagpapatuloy na International Junior Artistic Gymnastics Tournament sa Antalya, Turkiye.

Nanaig si Yulo sa vault exercise kung saan nakakuha siya ng average score na 14.225. Tinalo niya ang pambata ng Great Britain na si Sol Scott na nakakuha ng silver, at ang pambato ng Italy na si Tommaso Brugnami na nakakuha naman ng bronze medal.

Hindi lang sa vault nagpakita ng galing ang nakababatang kapatid ng Olympic champion na si Carlos Yulo. Muntik na rin siyang makakuha ng medalya sa floor exercise kung saan tumapos siya sa ika-apat na pwesto, at ika-anim naman sa pommel horse.

Ang tagumpay na ito ni Eldrew ay patunay na buhay na buhay ang kinabukasan ng Philippine gymnastics sa pandaigdigang entablado. Inaasahan na mas marami pang karangalan ang maiuuwi ng batang atleta habang patuloy siyang nagsasanay para sa mga susunod pang malalaking kompetisyon sa ibang bansa.

Exit mobile version