Tulad ng ipinangako ng mga showrunners, naging mas madilim ang Season 2 ng “The Lord of the Rings: The Rings of Power” sa huling bahagi nito. Pero, nananatili ang pag-asa na kilalang bahagi ng mga likha ni J.R.R. Tolkien. Lahat ng walong episodes ay mapapanood na sa Prime Video.
Ang kwento ay naganap libu-libong taon bago ang “The Hobbit” at “The Lord of the Rings” at umikot sa “Siege of Eregion” — ang matinding laban ng mga Elves at Dark Lord Sauron. May major na heroic death, at bagama’t pagod ang mga natira, handa silang bumangon muli para sa Season 3.
Ayon sa showrunner na si J.D. Payne, ang dilim sa kwento ay sumasalamin sa tunay na trahedya ng digmaan, na naimpluwensyahan ng karanasan ni Tolkien sa World War I. Ngunit kahit may kalungkutan, palaging may pag-asa sa gitna ng kadiliman.