PULSE PH

Kanye at Bianca, Agaw-Eksena sa Grammys After-Party!

Hindi lang sa red carpet ng Grammys nagpasabog ng kontrobersya si Kanye West at ang kanyang asawa na si Bianca Censori—pati sa after-party, sila pa rin ang pinag-uusapan!

Nagbalik sa Grammys si Kanye matapos ang ilang taon, kasama si Bianca, isang model at architect. Suot niya ang isang black fur coat sa simula pero nang tanggalin ito, tumambad ang halos hubad na sheer mini dress niya sa harap ng mga photographers.

Hindi nagtagal ang dalawa sa main ceremony pero dumiretso sila sa after-party na pinangunahan ni Justin LaBoy. Dito, nagpalit ng outfit si Bianca sa isang daring sheer black thong bodysuit habang si Kanye ay nanatiling all-black. Ang mas nakakagulat? Todo PDA ang mag-asawa—halikan, sayawan, at pati pagdila sa isa’t isa!

Sa isang punto, spotted si Kanye na may hawak sa puwet ni Bianca bago siya pumunta sa DJ booth.

Sa kabila ng kanyang eksena sa after-party, hindi naman napanalunan ni Kanye ang kanyang tanging Grammy nomination. Ang kanyang track na Carnival ay natalo ng Not Like Us ni Kendrick Lamar, na nagwagi ng limang beses sa gabing iyon.

Samantala, wagi rin si Sierra Ferrell sa apat niyang nominations, habang sina Beyoncé, Charli XCX, at St. Vincent ay umuwing may tig-tatlong awards. Sa wakas, nasungkit din ni Queen Bey ang matagal na niyang minimithing Album of the Year para sa Cowboy Carter, kasabay ng pagiging pinaka-nominated artist sa Grammys history!

Exit mobile version