Nagulantang ang Negros Island nang mag-explosive eruption ang Kanlaon Volcano kahapon ng alas-3:03 ng hapon. Dahil dito, itinaas ang Alert Level 3, na nangangahulugang maaaring magpatuloy ang mga pagsabog.
Naglabas ng makapal na usok na umabot hanggang 4,000 metro at dumaloy ang pyroclastic currents sa southeast na bahagi. Pinayuhan ang mga lokal na gobyerno na mag-evacuate sa 6-kilometrong radius at maghanda pa ng iba pang evacuation kung kinakailangan.
Iniulat na may mga ashfall sa mga lungsod ng Bago, La Carlota, at iba pang bayan sa Negros. Nagkaroon ng malalakas na tunog at seismic activity sa lugar, kaya’t pinapayuhan ang mga residente na magsuot ng maskara at magtago sa loob ng bahay.
Nag-declare ng evacuation orders ang mga lokal na opisyal at sinuspinde ang klase sa ilang bayan. Patuloy ang monitoring, at sana’y hindi magpatuloy ang lava flow, tulad ng nangyari noong 1903.”
