Site icon PULSE PH

Joy Belmonte, Kinilala sa Pagtataguyod ng PH-China Relationship at Peace Talks!

Ito ang matinding paalala ni Ka Dodoy Ballon, Ramon Magsaysay awardee at lider ng mga mangingisda, sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa kanya, malaking epekto sa bawat Pilipino—lalo na sa pagkain at kabuhayan—ang posibleng pagkawala ng karapatang mangisda sa WPS.

Kasama ang mga volunteers ng Atin Ito Coalition, lulan sila ng barkong MV Kapitan Felix Oca patungong Pag-asa Island para maghatid ng tulong, gasolina, at mensahe ng kapayapaan. Isa sa highlight ng biyahe? Concert sa gitna ng dagat—hindi lang para sa peace, kundi para rin sa mga isda!

Ani Ka Dodoy, halos isang-katlo ng suplay ng isda ng bansa ay galing sa WPS. Kung maagaw ito, apektado ang 500,000 mangingisda at maraming negosyo tulad ng kainan, hotel, at eco-tourism. Dagdag pa niya, “Hindi lang ito laban ng mga mangingisda, laban ito ng bawat Pilipino.”

Kapayapaan ang Dapat Mangibabaw!

Samantala, sa gitna ng isyung ito, pinarangalan si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng Association for Philippines-China Understanding (APCU) dahil sa pagsuporta niya sa mga Filipino-Chinese partnerships.

Kinilala si Belmonte para sa kanyang pagsulong ng mga cultural events, food fairs, at musical shows na nagpapalalim sa relasyon ng mga Pilipino at Tsinoy sa lungsod. Ayon sa APCU, ang effort ni Belmonte ay malaking ambag sa “people-to-people diplomacy” sa pagitan ng dalawang bansa.

Habang may mga naninindigan sa karagatan, may iba namang tahimik na lumalapit sa China sa pamamagitan ng kultura at diplomasya.

Exit mobile version