Site icon PULSE PH

Jodi, Nadine, Ivana at Iba pang Artista, Kumasa Laban sa Kurapsyon sa “Baha sa Luneta”!

Hindi nanahimik ang ilang sikat na artista sa isyu ng katiwalian. Sa “Baha sa Luneta” rally noong Setyembre 21 — kasabay ng ika-53 anibersaryo ng Martial Law ni Ferdinand Marcos Sr. — sumama sina Jodi Sta. Maria, Nadine Lustre, Ivana Alawi, at David Licauco para manawagan ng pananagutan at katapatan sa gobyerno.

Umakyat mismo sa entablado si Jodi Sta. Maria at iginiit na, “Importante na may managot, hindi pwedeng wala kasi ilang beses na itong nangyari… Dapat hindi na natin ito pwedeng palagpasin.” Kasabay niyang nagbigay ng talumpati ang mga kapwa artista na sina Tessie Tomas at Angel Aquino.

Sa social media naman nagpahayag si Nadine Lustre, na makikitang suot ang itim na t-shirt na may nakasulat: “Stop flooding us with corruption.” Si Ivana Alawi, na sumama rin sa kilos-protesta, ay mariing nag-post: “Tigilan na ang pagnanakaw! Tigilan na ang pangungurakot! MAHIYA NAMAN KAYO!”

Kasama rin sa mga dumalo si David Licauco na nagbahagi ng litrato kasama si Raheel Bhyria, hawak ang iconic na “One Piece” flag — simbolo umano ng paglaban sa pang-aapi at panawagan ng kalayaan ng mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Malinaw ang mensahe ng mga personalidad na ito: sapat na ang paulit-ulit na katiwalian. Panahon na para managot ang dapat managot.

Exit mobile version