Iaanunsyo na sa Prime Video ang K-zombie series na “Newtopia” na pagbibidahan ni Park Jeong Min at BLACKPINK’s Jisoo. Mapapanood ito simula Peb. 7, 2025, sa Pilipinas at 240+ bansa, maliban sa Korea.
Susundan ng serye ang kwento nina Lee Jae-yoon (Park Jeong Min), isang sundalo, at Kang Young-joo (Jisoo), ang kanyang nobya. Sa gitna ng zombie outbreak sa Seoul, gagawin nila ang lahat para muling magkita habang nilalabanan ang mga infected at mabibigat na hamon.
Si Jeong Min ay kilala sa mga award-winning performances sa “Dongju” at “Deliver Us From Evil”, habang si Jisoo naman ay nagmarka sa “Snowdrop” at iba pang drama.
Ang “Newtopia,” na dinirek ni Yoon Sung Hyun at isinulat ng co-writer ng Oscar-winning “Parasite”, ay tiyak na abangan mula Peb. 7 hanggang Marso 21, 2025.