Site icon PULSE PH

Jinggoy at Villanueva, Idinawit sa Umano’y DPWH Kickback sa Bulacan!

Sa ikalawang pagdinig ng Kamara tungkol sa anomalya sa flood control projects, binanggit ng dating DPWH-Bulacan assistant district engineer na si Brice Ericson Hernandez na sina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva ay umano’y tumanggap ng tig-30% “SOP” mula sa halos P955M halaga ng proyekto.

Ayon kay Hernandez, si Estrada raw ang nagtulak ng P355M na flood control projects sa Hagonoy at Malolos, habang si Villanueva naman ay para sa P600M na proyekto sa Balagtas at Bocaue.

Dahil sa bigat ng paratang, humingi si Hernandez ng proteksyon at hindi na bumalik sa Senado, dahil aniya’y “nakakatakot” ang mga taong sangkot.

Mariing itinanggi nina Estrada at Villanueva ang akusasyon.

  • Giit ni Estrada, gawa-gawa ang testimonya at plano niyang kasuhan si Hernandez.
  • Si Villanueva naman ay tinawag itong isang “demolition job” ng isang sindikato na gustong manahimik ang mga kritiko.

Samantala, inilipat si Hernandez sa PNP custodial center para sa kanyang seguridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Exit mobile version