Site icon PULSE PH

Jessica Sanchez, Standing Ovation sa Powerful Performance sa AGT finale!

Handang-handa nang manganak, pero mas una munang naghatid ng matinding performance si Filipino-American singer Jessica Sanchez sa grand finale ng America’s Got Talent.

Suot ang puting gown, inawit ni Jessica ang “Die With A Smile” na originally nina Bruno Mars at Lady Gaga. Habang bumabagsak ang confetti at kumikislap ang mga flashlight ng audience, todo-bigay ang boses ni Jessica—at sa huli, tumayo ang buong crowd at apat na judges para magbigay-galang.

Muling tinawag ni Sofia Vergara si Jessica bilang isang “pregnant angel with a beautiful voice,” habang pinuri ni Mel B ang flawless vocals nito at biro pang “nakapagpigil” ang baby. Para kay Howie Mandel, ito na ang best performance ng gabi, at ayon naman kay Simon Cowell, ramdam ang dagdag na 10% passion sa pagkanta ni Jessica—na aniya’y baka dala rin ng kanyang baby duet.

Binalikan din ni Simon ang paglalakbay ni Jessica sa show, na una niyang sinalihan bilang 10-taong gulang, at ang mensahe na kahit hindi agad manalo, kailangang patuloy na maniwala sa sarili.

Si Jessica, na naging runner-up din sa American Idol Season 11, ay muling nagpatunay na world-class ang talentong Pinoy. Malalaman kung sino ang tatanghaling kampeon ng AGT Season 20 sa Setyembre 24 (Setyembre 25 sa Pilipinas).

Exit mobile version