Site icon PULSE PH

Jerusalem Muling Ginulantang si Shigeoka!

Walang duda! Muling pinatunayan ni Melvin Jerusalem ang kanyang pagiging kampeon matapos talunin si Yudai Shigeoka via unanimous decision sa kanilang rematch sa Aichi Sky Expo, Japan.

Hindi tulad ng kanilang unang laban kung saan nanalo siya via split decision, mas dominante si Jerusalem sa pagkakataong ito. Kahit hindi niya napabagsak si Shigeoka, malinaw ang panalo—118-110, 119-109, at 116-112 sa scorecards ng mga hurado.

Mula umpisa hanggang dulo, walang tigil ang suntok ng Filipino champ. Napahirapan niya ang hometown fighter sa bilis at tindi ng kanyang kombinasyon. Sa huling round, si Jerusalem pa rin ang umaariba habang si Shigeoka ay hirap makasagot.

Sa panalong ito, umakyat ang record ni Jerusalem sa 23-4 (12 KOs), habang bumagsak naman sa 9-2 (5 KOs) si Shigeoka—parehong talo galing kay “El Gringo.”

Exit mobile version