Si Jennie Kim ng Blackpink ay sasabak sa bagong Disney+ variety show na “My Name is Gabriel.”
Inanunsyo ng JTBC ang pagsali ni Jennie sa show sa pamamagitan ng pastel poster na may nakasulat na pangalan niyang “Maria.”
Kinumpirma din ito ng Disney+ Philippines sa kanilang social media accounts, kasama ang caption: “Paano kung si global star Jennie ay mamuhay bilang ibang tao? Panoorin ang ‘My Name is Gabriel’ sa Disney+ Philippines at makita siya bilang Maria sa Italy!”
Sa show, mararanasan ng cast na mamuhay bilang ibang tao sa loob ng 72 oras. Gaganap si Jennie bilang Maria, isang bed-and-breakfast owner sa isang Italian village malapit sa Rome.
Kasama rin sa cast sina Park Bo-gum, Ji Chang-wook, Park Myung-soo, Yeom Hye-ran, Hong Jin-kyung, Kim Jin-young (Dex), at Gabee.