Nagbigay ng babala ang isang government panel sa Japan tungkol sa tumataas na posibilidad ng isang megaquake sa susunod na 30 taon, na ngayon ay nasa 75-82% ang chance na mangyari.
Ayon sa mga eksperto, ang lindol na ito ay maaaring umabot ng magnitude 8-9, magdulot ng malalaking tsunami, at magresulta sa mga daan-daang libong pagkamatay at bilyon-bilyong dolyar na pinsala.
Ang kasalukuyang estimate ay mula sa isang subduction megathrust quake sa Nankai Trough, isang 800-kilometrong undersea trench sa tabi ng baybayin ng Japan. Dito nagaganap ang “subduction”—ang unti-unting paglusong ng tectonic plate ng Philippine Sea sa ilalim ng kontinental na plate ng Japan.
Sa kasaysayan, naganap ang megaquakes sa Nankai Trough tuwing 100-200 taon, at ang huling lindol na malakas dito ay noong 1946. Ayon sa mga eksperto, 79 taon na ang lumipas, kaya’t tumataas ang tsansa ng isa pang malakas na lindol.
Sa mga projection ng gobyerno, may posibilidad na ang mga maliit na isla malapit sa baybayin ay maabot ng tsunami na higit sa 30 metro ang taas. Ang mga siksik na lugar sa Honshu at Shikoku ay maaaring maabot ng malalaking alon sa ilang minuto.
Ang Nikkei business daily ay nag-estima na 530,000 tao ang maaaring mawalan ng tirahan kapag nangyari ang megaquake, at maaaring umabot sa 9.5 milyon ang mga maaapektohan sa buong Japan.
Kaya’t maging alerto ang mga residente ng Japan! Ang megaquake ay isang real na banta, at bawat taon, dumarami ang posibilidad na mangyari ito.