Nagulantang ang NBA fans matapos lumabas online ang isang viral photo na tila nagpapakita kay Los Angeles Clippers star James Harden na walang balbas! Ang nasabing larawan, na agad kumalat sa X, Facebook, at TikTok, ay nagdulot ng halo-halong reaksyon—mula sa shock hanggang sa pagtanggi ng mga fans. Pero totoo nga ba?
Sa larawan, makikita ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Harden, suot ang Clippers training gear, pero clean-shaven. Marami ang di makapaniwala at tinawag itong “AI-made” o heavily edited. Wala rin kasing opisyal na kumpirmasyon mula kay Harden o sa Clippers.
Ayon sa EssentiallySports, mukhang peke ang photo. Sa mga bagong practice at interview clips, buo pa rin ang beard ni Harden. Tahimik din ang buong team—walang reaksyon mula sa mga coaches o kakampi.
Matagal nang bahagi ng “brand” ni Harden ang kanyang balbas, mula pa noong college days niya sa Arizona State hanggang sa MVP years niya sa Houston Rockets. Sa katunayan, sinabi pa niya noon na kailangan pa raw siya bayaran ng $10 million bago niya ito ahitin!
Ngayon, sa kanyang unang full season sa Clippers, mahalagang piraso pa rin si Harden ng team na nagtapos sa top 5 ng Western Conference at nagtala ng 50-32 record. Kahit na-eliminate sa playoffs sa kamay ng Nuggets, asahan si Harden na magiging susi pa rin sa kampanya ng Clippers sa susunod na season.
So… tuloy ba ang “no beard” era o fake news lang? Abang-abang na lang sa official selfies ni The Beard!