Host ng “It’s Showtime” na si Jackie Gonzaga, nagsalita na tungkol sa tsismis na buntis siya at si Ion Perez ang ama.
Sa isang live session sa TikTok, sinagot ni Jackie ang mga tanong ng fans. “Si Kuya Ion? Ano’ng truth?! Kung anu-ano pinag-iisyu n’yo,” sabi niya, sabay dagdag pa ng, “Adik ba kayo? Tigilan n’yo bisyo n’yo ah!”
Ayon kay Jackie, ang fake news ay ginagamit ng trolls para kumita ng views. “Siguro kumikita sila doon… bahala sila,” aniya pa.
“Kadiri mga issue n’yo. Kadiri mga tao naniniwala sa fake news!” dagdag ni Jackie, pero nagpapasalamat siya sa mga hindi naniwala sa tsismis: “Congrats naman sa lahat ng mga hindi naniniwala sa fake news at nakakapag-isip kayo nang maayos!”