Naglabas ng tell-all video si Jackie Forster para ipagtanggol ang anak niyang si Kobe Paras sa gitna ng isyu nila ni Kyline Alcantara. Sa IG post ni Jackie, sinabi niyang “victim of your own doing” si Kyline at hindi dapat palabasing si Kobe ang masama.
Kwento ni Jackie, nagsama sa condo si Kobe at Kyline pero nauwi sa gulo dahil sa tension sa pamilya ng aktres. Matindi raw ang mga nangyaring salita at kilos bago tuluyang umalis si Kobe.
Nilinaw ni Jackie na hindi cheater si Kobe—loyal daw ito at binigay lahat. Pero si Kyline daw ang biglang nag-delete ng photos, nag-unfollow, at nag-post ng hugot video kahit pinagsabihan na huwag para ’di lumala ang issue.
Matindi pa, inakusahan ni Jackie si Kyline ng pananakit kay Kobe at pag-agaw ng cellphone. “Di ko nga pinapalo anak ko, tapos ikaw sinaktan mo?” aniya.
Sa dulo, warning ni Jackie sa kampo ni Kyline: “’Wag kayong maglaro sa mental health ng anak ko. May ebidensya rin kami—sana ’wag nang lumabas.”
