Inanunsyo ni Kapuso host Iya Villania na buntis siya sa panglimang anak nila ng asawang si Drew Arellano.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Iya ng video kung saan sumasayaw ang kanyang pamilya sa kantang “Mambo No. 5” ni Lou Bega. Sunod-sunod na nagpakita ang kanilang mga anak — si Primo bilang number 1, si Leon bilang 2, si Alana bilang 3, at si Astro bilang 4.
Simpleng hello emoji lang ang caption ni Iya sa post, pero bumuhos agad ang mga pagbati mula sa mga sikat na kaibigan tulad nina Hannah Romawac, Camille Prats, Iza Calzado, Jericho Rosales, Bianca Gonzalez, at Nikki Gil.
“Ang galing nyo talaga sa baby making department!” sabi ni Hannah.
“OMG!!!!!!! So happy for you guys!!!!” komento ni Iza.