Site icon PULSE PH

Ivana Alawi: “Hindi Ako Kabit, Marunong Ako Rumespeto ng Pamilya”!

{"subsource":"done_button","uid":"58D6B7A6-7A2E-597A-B191-9816400D1D7B_1750728266189","source":"editor","origin":"unknown","is_remix":false,"used_premium_tools":false,"used_sources":"{"sources":[],"version":1}","source_sid":"58D6B7A6-7A2E-597A-B191-9816400D1D7B_1750728266225","premium_sources":[],"fte_sources":[]}

Nilinaw ni Ivana Alawi na hindi siya homewrecker habang sumasailalim sa isang polygraph test sa bagong vlog niya.

Sa video na in-upload niya sa YouTube, game niyang sinagot ang mga tanong ng ina niyang si Fatima, kapatid na si Hash, at bunso nilang si Mona sa isang lie detector challenge — na may twist na hot wings punishment kada sablay ang sagot. Parang pinagsamang Hot Ones at Vanity Fair Lie Detector Series!

Tinanong siya ni Mona kung naging dahilan ba siya ng pagkasira ng isang pamilya. Sagot ni Ivana: “Hindi.”
Dagdag pa niya, “Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect family kasi kami nga broken family… Ano ’to, tapos maninira ako ng family? Siraulo ka pala eh. Okay!”

Ilan sa mga true sagot niya ay:

  • Si Mona ang favorite niyang kapatid
  • Umiyak siya nang palihim dahil sa lalaki
  • Nakipag-date siya sa lalaking ’di na-feature sa vlog
  • May sikreto siyang Instagram account

Pero isa lang ang nahuling hindi totoo: nang itinanggi niyang iniisip niyang siya ang pinakamaganda sa pamilya. Agad niyang depensa: dati raw si Ate Amira ang tingin niyang mas maganda — pero ngayon, siya na.

Samantala, kasabay ng viral vlog ay ang isyung kinasasangkutan niya: Si Dominique Lopez, dating asawa ni Bacolod City Mayor Albee Benitez, ay naghain ng reklamo kaugnay ng umano’y emotional abuse mula sa umano’y pambababae ng alkalde. At sa mga alegasyon ni Dominique, binanggit umano si Ivana bilang third party — bagay na hindi pa rin kumpirmado at wala raw matibay na ebidensyang hawak si Dominique.

Exit mobile version