PULSE PH

Ivana Alawi Dedma sa Bashers! Hindi Nagbabasa ng Comments!

Isa sa pinakamahalagang aral na natutunan ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ay huwag pansinin ang mga bashers.

Ito ay kanyang napagtanto nang magsimula siyang maging content creator.

Sa isang panayam sa ABS-CBN News noong Biyernes, Hunyo 14, inamin ni Ivana na dati ay talagang pumapatol siya sa mga negatibong komento ng mga netizens laban sa kanya.

Ilan sa mga binabato ng netizens sa kanya noon ay ang umano’y pagpaparetoke niya at pagiging hubadera.

“Dati talaga nagbabasa ako ng [comments] pero ‘yong manager ko tinuruan ako na don’t read, deadma na,” pahayag ni Ivana.

Aniya, hindi niya kayang i-please ang lahat ng tao.

“That’s something that you should always keep in mind na may mga taong magugustuhan ito, may mga taong hindi,” dagdag pa ni Ivana.

Kaya naman mas pinili na lang niya na huwag magbasa ng mga komento tungkol sa kanya.

“Pero tuloy-tuloy lang ako. I don’t read comments na. Kung hindi nila gusto, salamat pa rin. Kasi kung papa-control ako sa kanila, anong maiisip kong content?” sabi pa ni Ivana.

Naging bukas rin ang aktres sa proseso ng pagbuo niya ng kanyang mga vlogs.

Exit mobile version