PULSE PH

IV of Spades, Muling Nagsama-Sama!

Matapos ang higit limang taon, muling naglabas ng bagong tugtugin ang IV of Spades — at mas nakakagulat, kasama na ulit si Unique Salonga!

Nagulat ang fans nang biglang i-drop ng banda ang kanilang bagong single na “Aura”, kasabay ng isang music video kung saan makikitang masayang nagba-bonding sina Unique, Zild Benitez, Blaster Silonga, at Badjao de Castro sa isang burol sa ilalim ng maaliwalas na langit.

Umalis si Unique sa banda noong 2018 para magsolo, kaya’t hindi inaasahan ng marami ang kanyang muling paglitaw kasama ang IVOS.

Ang kanta, na may limang minutong haba, ay may chorus na tila may pinaghuhugutan:
“Tingnan natin nang husto ang makulay kong mundo… Kahit minsan’y magulo, yayakapin nang buo.”

Matatandaang sumikat ang IVOS sa mga kantang “Ilaw sa Daan,” “Hey Barbara,” “Mundo,” at iba pa. Pag-alis ni Unique, nailabas ng banda ang album na ClapClapClap bago sila nagpahinga noong 2020.

Ngayon, may bagong “aura” ang banda — at mukhang may pasabog pa silang kasunod.

Exit mobile version