Israel nag-strike sa Syria! Apartment ng Hezbollah sa Damascus, tinarget—siyam patay, kabilang ang isang commander, ayon sa war monitor.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kasama sa mga nasawi ang isang Lebanese commander ng Hezbollah na sumusuporta sa Iran sa Syria. Sinasabing dumadami ang Israeli airstrikes sa Syria mula nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Israel at Hezbollah noong Setyembre 23.
Inatake umano ang isang apartment sa Sayyida Zeinab area sa Damascus, na kilala bilang kuta ng pro-Iran groups. Apat na sibilyan kabilang ang isang babae at tatlong anak nito, pati limang miyembro ng Hezbollah, ang namatay. Dalawampu naman ang sugatan.
Patuloy na nag-o-operate ang Israel sa Syria mula 2011 upang labanan ang presensiya ng Iran, na itinuturing nitong kalaban.
