Noong Linggo, nangako si Israeli Defense Minister Yoav Gallant na “titirahin ang kaaway nang matindi” matapos ang rocket fire mula sa Lebanon na pumatay sa 12 kabataan sa Israeli-annexed Golan Heights, na muling nagdulot ng takot na maaaring kumalat ang digmaan sa Gaza.
Nagbabala ang Iran sa Israel na anumang bagong “adventures” ng militar sa Lebanon ay maaaring humantong sa “hindi inaasahang mga kahihinatnan.” Kinondena ng mga Kanluraning bansa, kabilang ang France at Germany, ang pag-atake at nanawagan ng kalma.
Nanawagan ang European Union para sa isang independent probe sa nangyari.
Tinawag ng hukbo ng Israel na ito ang “pinakamadugong pag-atake sa mga sibilyan ng Israel” mula noong Oktubre 7 na nagpasimula ng digmaan sa Gaza at nagdulot ng regular na palitan ng putok sa hangganan ng Lebanon.
Siniwalat ng Israel ang Hezbollah movement ng Lebanon bilang responsable sa pagpapaputok ng Falaq-1 Iranian rocket, ngunit sinabi ng Iran-backed group—na regular na tinatarget ang mga posisyon ng militar ng Israel—na wala silang “kaugnayan” sa insidente.
Sinabi nito, gayunpaman, na nagpaputok sila ng isang rocket noong Sabado patungo sa isang target na militar ng Israel sa Golan.
Ang rocket fire sa Majdal Shams, kung saan ang populasyon ay mga Arabic-speaking Druze, ay nagbunsod kay Prime Minister Benjamin Netanyahu na umuwi ng maaga mula sa Estados Unidos. Pagdating, agad siyang pumasok sa isang security cabinet meeting, ayon sa kanyang tanggapan.
Sinabi niya na “magbabayad nang malaki” ang Hezbollah para sa pag-atake, “isang presyo na hindi pa nila nababayaran noon.”
Sinabi ng Israeli foreign ministry na ang Hezbollah ay “lumampas sa lahat ng mga linya ng babala.”
