Site icon PULSE PH

Ion Perez, Binawi ang Kanyang Pagkandidato Bilang Konsehal sa Tarlac!

Hindi na tatakbo si Ion Perez bilang konsehal sa Concepcion, Tarlac para sa 2025 elections. Sa isang video post, inihayag ni Ion ang kanyang desisyon na umatras para mas mapaghandaan ang serbisyo sa kanyang mga kababayan.

“Pinapaalam ko lang na hindi na ako tutuloy bilang konsehal ng Concepcion. Gusto ko munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya sa inyo at mapagsilbihan kayo ng tama,” pahayag niya. Matapos pasalamatan ang mga taga-Concepcion, nagwakas ang video sa salitang “Paumanhin.”

Matatandaang isa si Ion, partner ni Vice Ganda, sa mga unang celebrities na nag-file ng candidacy noong nakaraang buwan at nanumpa bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition sa ilalim ni Tarlac Gov. Susan Yap.

Samantala, ilan pang celebrities ang tutuloy sa laban sa 2025 elections, kabilang sina Willie Revillame, Arjo Atayde, Vilma Santos, at Nora Aunor.

Exit mobile version