Hindi naglaro si Dwight Ramos sa panalo ng Gilas Pilipinas kontra Hong Kong, 93-54, dahil sa calf injury na natamo niya sa laban nila kontra New Zealand. Ayon kay Coach Tim Cone, sinubukan ni Ramos mag-practice at mag-warm-up, pero masakit pa rin ang kanyang binti.
Bagama’t sigaw ng fans ang “We want Dwight!” sa laban, piniling i-rest si Ramos para hindi lumala ang injury. Sabi ni Cone, kung kalaban daw ang mas mabigat na team tulad ng New Zealand, baka pinilit nilang paglaruin si Ramos.
“Mas mabuti nang magpahinga siya,” dagdag ni Cone, na inamin ding may parehong injury sina Calvin Oftana at Justin Brownlee.