Malalaman ngayong linggo kung kakailanganin ng surgery si Justin Brownlee matapos niyang mapinsala ang hinlalaki sa kanang kamay (UCL tear) habang sumisid para sa loose ball sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.
Ayon kay Dr. Randy Molo, magsasagawa ng X-ray at MRI para matukoy ang tindi ng injury. “Pinakoordinate ko na ang evaluation niya kay Dr. Henry Calleja ng St. Luke’s BGC, na siyang tumulong din kay Scottie Thompson dati,” ani Molo.
Kung lumabas na unstable ang hinlalaki, maaaring sumailalim si Brownlee sa operasyon na may recovery time na apat hanggang anim na buwan. Pero base sa kanyang matinding laro sa Finals—nag-a-average ng 22.8 puntos sa huling apat na laro kahit may injury—tila matibay pa rin ito.
Layunin ng medical team na siguraduhin ang kanyang paggaling bago ang FIBA Asia Cup sa Agosto. Samantala, ibinahagi ng Gilas teammate niyang si Chris Newsome na dalawang beses nang nadislocate ang kanyang daliri pero hindi na niya ito pinaopera.