Site icon PULSE PH

Indiana Pacers, Bumubulusok pa Finals!

May dahilan kung bakit Pacers ang tawag sa Indiana — dahil mabilis ang galawan nila, at yun ang pinaka-sandata nila sa seryeng ito kontra New York Knicks para sa Eastern Conference title. Gamit ang bilis ng opensa at malalim na bench rotation, ginugulat nila ang kalaban sa pamamagitan ng fresh legs at relentless pace.

Hawak ng Pacers ang 2-1 lead sa best-of-seven series, at interestingly, lahat ng panalo ay nakuha sa road. Nanalo ang Indiana ng Game 1 (138-135 OT) at Game 2 (114-109) sa Madison Square Garden, pero bumawi ang Knicks sa Game 3 sa Gainbridge Fieldhouse, 106-100, kahit pa 20 points ang hinabol nila. Kung manalo ang Pacers sa Game 4 sa home court nila (Ngayong umaga, oras sa Maynila), babalik sila sa New York para subukang tapusin ang serye.

Pero hindi basta susuko ang Knicks. Sa Game 3, ginulat ni coach Tom Thibodeau ang lahat sa pagpasok ng dalawang higante — Karl Anthony Towns at Mitchell Robinson — sa starting lineup. Gumawa agad ng impact si Towns sa fourth quarter, umiskor ng 20 sa kanyang 24 points.

Sa puntos, dikit ang laban: apat na Knicks ang may double figures — Jalen Brunson (34), Towns (26.3), Mikal Bridges (17), OG Anunoby (16). Sa Pacers naman, anim ang may double-digit average: Pascal Siakam (24.3), Tyrese Haliburton (21.7), Aaron Nesmith (16.7), Myles Turner (16.3), Andrew Nembhard (12), at TJ McConnell (10.7).

Mas maraming players ang ginagamit ng Indiana (10 na may 10+ minutes) kumpara sa Knicks (8), at walang Pacer na umabot ng 40 minutes kada laro. Ang Knicks, merong si Bridges na halos hindi na nauupo sa bench (42.7 minutes!).

Puno ng energy ang Pacers at kaya nilang mag-full court press buong laro. Ang challenge kay Thibodeau: paano pipigilan ang pace ng Indiana? Isa sa sagot: physicality at kontrol sa rebounding.

Historically, parehong gutom ang dalawang teams. Huling Finals ng Pacers ay noong 2000 (talo sa Lakers), at ang Knicks ay noong 1999 (talo sa Spurs). Pero mas gutom ang Indiana — dahil ni minsan, hindi pa sila nananalo ng championship. Ang Knicks naman ay may dalawang titles pa noong 1970 at 1973.

Finals bound na ba ang Pacers? O may panggulat pa si Brunson at ang Knicks? Abangan ang next fast break!

Exit mobile version