Klaro na, si Harry Roque ay nasa Pilipinas pa! Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na walang record ng paglisan ni Roque sa bansa. Ito ay matapos magbigay ng pahayag si Vice President Sara Duterte na tila umalis na si Roque.
Sa isang press conference, sinabi ni Duterte, “Tingnan mo si Harry Roque, ayaw umalis ng bansa kasi iiwan niya ang mga anak niya, pero tignan mo siya, umalis din.”
Ang BI, sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Dana Sandoval, ay nagbigay-linaw at sinabing wala pang naiulat na pag-alis si Roque.
Si Roque at ang kanyang asawa, si Mylah, ay naiinbitahan noon para magbigay-linaw tungkol sa kanilang diumano’y koneksyon sa Lucky South 99, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sinasabing may kinalaman sa human trafficking at iba pang illegal na gawain. Nang hindi dumaan sa mga pagdinig, inisyu ng Kongreso ang arrest warrants laban sa kanila.
Sa kabila ng mga issue at paghahanap ng mga awtoridad, si Roque ay patuloy na nananatili sa Pilipinas.
