Maagang sinara ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kanilang tatlong araw na “anti-corruption” rally, na natapos nitong Nobyembre 17—isang araw bago ang iskedyul. Ayon kay INC spokesperson Edwil Zabala, naiparating na nila ang panawagan para sa hustisya at transparency kaya hindi na kinailangang pahabain pa ang pagtitipon.
Umabot sa mahigit 1.1 milyon ang kabuuang dumalo sa dalawang araw, ayon sa datos ng Manila Police District. Iginiit ng INC na hindi politikal ang kilos-protesta.
Ngunit nagkaroon ng kontrobersiya matapos akusahan ni Sen. Imee Marcos ang kapatid niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umano’y gumagamit ng droga—isang pahayag na agad nagdulot ng ingay at pagkalito sa publiko.
Nagpatupad din ang INC ng patakaran laban sa “Marcos Resign” banners ng supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang maiwasan ang anumang politikal na interpretasyon.
Sa huli, bagama’t tinawag na “non-political,” mas maraming tanong ang iniwan ng rally dahil sa biglaang pagsabog ng isyu mula mismo sa loob ng pamilyang Marcos.
