Site icon PULSE PH

ICC, Tinatanggihan ang Hiling ni Duterte sa Medical Records!

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang mga komunikasyon sa pagitan ng ICC Registry at mga medical expert na tumasa sa kanyang kakayahang humarap sa paglilitis.

Sa desisyong inilabas ng ICC Pre-Trial Chamber I, sinabi ng mga hukom na sapat na ang impormasyong hawak ng depensa hinggil sa ugnayan ng Registry at ng tatlong eksperto, gayundin sa mga gabay na ginamit sa paggawa ng kanilang medical reports. Dahil dito, hindi na raw kailangan pang ibunyag ang lahat ng detalye ng komunikasyon.

Samantala, hinihikayat ng prosecution at counsel ng mga biktima ang korte na ideklarang fit to stand trial si Duterte batay sa resulta ng medical assessments. Wala pa namang pinal na desisyon ang ICC ukol dito.

Habang nagpapatuloy ang mga usaping legal, dumating sa The Hague si Davao City Rep. Paolo Duterte kasama ang kapatid na si Veronica upang dalawin ang kanilang ama. Ayon kay Paolo, tahimik at mahina ang dating pangulo sa loob ng detention, at halos nagpapahinga lamang.

Sa hiwalay na pahayag, hinamon naman ni Sen. Imee Marcos ang mga awtoridad na isilbi ang umano’y arrest warrant laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung ito ay totoo, at binatikos ang matagal na kawalan ng linaw na aniya’y nagdudulot ng matinding pressure at pangamba.

Exit mobile version