Nagpatupad ang Estados Unidos ng panibagong parusa laban sa ilang opisyal ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kanilang papel sa mga imbestigasyon laban sa mga tauhan ng US at ng Israel.
Sa ilalim ng Executive Order No. 14203 na pinirmahan ni dating Pangulong Donald Trump, ipinagbawal ng US sina ICC judges Kimberly Prost at Nicolas Guillou at deputy prosecutors Nazhat Khan at Mame Mandiaye Niang na magmay-ari ng ari-arian o magkaroon ng access sa assets sa Amerika.
Kasabay ito ng mga kasong isinampa laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ukol sa war crimes at crimes against humanity. May arrest warrant na inisyu ang ICC noong Nobyembre 2024, ngunit hindi pa ito naipatutupad.
Mariing tinuligsa ng ICC ang desisyon ng US, at tinawag itong isang “malaking atake sa kalayaan at pagiging independiyente” ng hukuman.
ICC HUKOM AT PROSECUTOR PINATAWAN NG PARUSA NA KONEKTADO SA ISRAEL!
